2 arestado sa buy-bust

BULACAN ,Philippines  – Kalaboso ang binagsakan ng dalawang sibilyan makaraang maaresto ng pulisya sa inilatag na buy-bust operation sa magkahiwalay na lugar sa lalawigan ng Bulacan kamakalawa. Pormal na kinasuhan ang mga suspek na sina Glenda Santos, 22, ng Brgy. Lolomboy, Bocaue; at Robert Moreno, 21, ng Brgy. San Manuel, San Jose Del Monte City. Sa police report na nakara­ting kay Bulacan PNP director P/Senior Supt. Fernando Mendez Jr., si Santos ay nadakma ng mga tauhan ni P/Supt. Raniel Valones sa isang beach resort sa Barangay Mahabang Parang, Sta. Maria, Bulacan. Samantala, si Moreno naman ay nasakote sa bahagi ng Pleasant Hills sa Barangay San Manuel.

Show comments