Sundalo sugatan sa NPA attack

MANILA, Philippines - Isang sundalo ang na­­sugatan matapos na pagbabarilin ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) habang nagsasagawa ng medical mission sa isang komunidad sa Barangay Mahaba, Marihatag, Su­rigao del Sur kamakalawa. 

Kinilala ang nasabing sundalo na si Corporal Sali Adjawali, kasapi ng Army’s 29th Infantry Battalion ng Philippine Army.

Sinabi ni Col. Romeo Gan, Commander ng Army’s­ 401st Infantry “Unite N’ Fight” Brigade ka­sa­lukuyang abala sa medical mission ang Civil Military Operations­ Officer ng 29th IB ng mangyari ang in­sidente.

Ayon kay Gan ang grupo ng Guerilla Front 19-B ang hinihinalang nasa likod ng pag-atake na mariin nitong kinondena.

Nagsasagawa na ng hot pursuit operations ang tropa ng mga sundalo laban sa grupo ng mga rebeldeng ko­­munista na sangkot sa nasabing karahasan.

Show comments