Pulis dedo sa pumalyang baril

MANILA, Philippines - Nagbuwis ng buhay ang bagitong pulis na nagresponde sa kaguluhan sa KTV bar na ikinamatay rin ng isa katao matapos na pumal­yang pumutok ang baril nito sa bayan ng Catarman, Northern Samar kamakalawa.

Kinilala ang nasawing pulis na si PO1 Jasper Sampaga, ng Catarman PNP at ang isa pa na namatay na si Randy Bagua.

Pinaghahanap naman ang suspek na si Ryan Santos, 30, kapitbahay ni Bagua sa Bgy. Dalakit.

Sa police report na nakarating kahapon sa Camp Crame, naganap ang insidente bandang alas-8 ng gabi nang magtalo sa harap ng KTV bar sina Bagua at Santos na nauwi sa pana­naksak.

Dito rumesponde si PO1 Sampaga subali’t hindi pumutok ang service firearm nito habang akmang sasaksakin din Santos.

Napuruhan naman sa pananaksak si PO1 Sampaga at Bagua kung saan sinamantala ng suspek ang kaguluhan sa kaniyang pagtakas.

Show comments