4 karnaper arestado

CAVITE, Philippines – Kalaboso ang binagsakan ng apat na miyembro ng carnapping syndicate matapos maaresto sa isinagawang operasyon sa Oakridge Subd. sa Barangay Salawag, Dasmariñas City, Cavite kamaka­lawa ng gabi. Pormal na kinasuhan ng pulisya ang mga suspek na sina Norie David “Paeng” Estetaniez, 29, ng Anahaw 2, Barangay Bulihan, Silang, Cavite; Jeorge “Leo” Julito Tibuli, 19, ng Barangay Paliparan 3, Dasmariñas City; Marygrace Azare Imao, ng FVR, General Mariano Alvarez at si Irish Joy Yuga Pineda, ng Mabuhay City, Dasmariñas City. Ayon kay P/Insp. Wally Hermo, narekober sa safehouse ng mga suspek ang dalawang kotse na walang plaka at ilang bahagi ng iba pang sasakyan na pinagkalas-kalas para sa binubuong taxi.

Show comments