Magkasintahan itinumba

CAVITE, Philippines  — Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang magkasintahan habang naglalakad sa kalsada ng Barangay Datu Esmael sa Dasmarinas City, Cavite, kahapon ng umaga. Kinilala ng pulisya ang babae na si Isnairah  Dagaranao Mimbalawag, 22, ng Blk 21 Lot 3 sa nasabing barangay habang hindi naman nakilala ang lalaki na sinasabing hindi karelihiyon ng una. Ayon kay PO2 Rez Alovera, ganap na alas-6 ng umaga nang ratratin ng 'di-pa kilalang lalaki ang dalawa habang magkasabay na naglalakad at nag-uusap. Hindi na inabutan ng pulisya ang bangkay ng babae sa crime scene kung saan kinuha agad ito ng mga kamag-anak alinsunod na rin sa tradisyon ng mga Muslim.

Show comments