Biyuda inararo ng motorsiklo

BATAAN, Philippines – Isang 79-anyos na biyuda ang iniulat na nasawi makaraang salpukin ng motorsiklo sa gilid ng Roman SuperHighway sa Barangay Calaylayan sa bayan ng Abucay, Bataan kamakalawa ng umaga. Kinilala ang nasawi na si Iluminada Mendivilla ng Centro Barangay Balsik sa bayan ng Hermosa, Bataan. Sugatan naman ang drayber ng motorsiklo (TK2702) na si Pfc Crystal Tagavilla, 26, ng 24th Infantry Battalion ng Phil. Army sa bayan ng Orani. Sa police report ni SPO2 Jayjay Taganas, nakatayo at nagbabasa ang biktima sa gilid ng kalsada nang salpukin ng motorsiklo.

 Lumilitaw na naunang nahagip ng motorsiklo ni Tagavilla ang nagbibisikletang si Domingo Sison kung saan ito sumem­plang at nagtuluy-tuloy na sinalpok ang nakatayong biktima.

Show comments