Mag-asawa todas sa kuryente

CAVITE, Philippines  – Kamatayan ang sumalubong sa mag-asawa na sinasabing kap­wa lango sa alak matapos makuryente kahapon ng umaga sa Barangay Sampaloc 2 sa Dasmariñas City, Cavite.

Kapwa idineklarang patay sa ospital sina Erickson Manalo, 25; at Jojen Manalo, 21, nakatira sa Sitio Bucal sa nasabing barangay.

Ayon kay SPO1 Edgar Belza, pauwi na ang mag-asawa nang magkasigawan sa hindi nabatid na dahilan.

Base sa mga nakasaksi, nauwi sa tulakan ang away ng mag-asawa kung saan kapwa napadikit sa street light na sinasabing may talop na linya ng kuryente.

Dito na nangisay ang da­lawa kung saan umuusok pa ang katawan nang bumagsak dahil sa matinding boltahe. 

Show comments