Ex-drug pusher nilikida

NUEVA ECIJA, Philippines  – Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang 45-anyos na traysikel drayber sa naganap na panibagong karahasan sa Paco Roman Street, Barangay Poblacion North sa Science City of Muñoz, Nueva Ecija kamakalawa ng gabi. Kinilala ng pulisya ang napaslang na si June Angeles, may-asawa, ng Barangay Bacal III, Talavera, Nueva Ecija. Base sa police report, pababa na ang pasahero sa traysikel ng biktima ng ratratin ng isa sa dalawang lalaki na lulan ng motorsiklo. Sa tala ng pulisya, ang biktima ay dating nakakulong sa Nueva Ecija Provincial Jail sa Barangay Caalibangbangan, Cabanatuan City dahil sa kasong bawal na droga.

Show comments