Ex-NPA rebs nilikida

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines —  Napaslang ang isang 27-anyos na rebel-returnee makaraang saksakin ng 'di-pa kilalang lalaki sa loob ng kanyang bahay sa Barangay Nagas sa bayan ng Oas, Albay kamakalawa ng gabi. Dalawang tama ng patalim sa katawan ang tumapos sa buhay ni Joel Jimenez na napatay habang hindi naman idinamay ang tatlo nitong anak na menor-de-edad. Base sa police report, bago maganap ang pamamaslang ay inutusan ng biktima ang kanyang misis na bumili ng sigarilyo sa tindahan na may 50 metro lamang ang layo mula sa kanilang bahay. Sa tala ng pulisya, si Jimenez na naging NPA rebs ay sumuko sa militar noong 2001 kung saan namuhay ng tahimik.

 

Show comments