Mag-asawang koreano lunod sa beach

CEBU CITY, Philippines – Trahedya ang sinapit ng mag-asawang Koreano na nagbabakasyon sa bansa matapos na matagpuang patay sa dalampasigan ng Barangay Proper sa Hilantagaan Island, Sta. Fe, Cebu kama­kalawa ng hapon.

Sina Myung Kyu Jang, 28, at Hyejung Jang, 31 ay kapwa natagpuan ng mga mangingisda na nakalu­tang sa dagat na may ilang metro ang layo sa dalampasigan ng Hilantagaan Island.

Lumilitaw na nagsimulang mag-island-hopping ang mag-asawa na lulan ng pump boat ni Uriel Mahipos bandang alas-8:30 ng umaga kung saan dumaong sa nasabing isla para m­ananghalian.

Ayon kay Mahipos, nagpaalam ang mag-asawa na maglalakad sa dalampasigan habang inaayos ang kanilang lunch.

Matapos maiayos ang tanghalian ay hinanap na ang mag-asawa subalit hindi matagpuan sa ilang bahagi ng isla kaya hu­mingi ng tulong si Mahipos sa dalawang mangingisda na sina Arturo Jumola, ex-Hilantagaan barangay captain at Donaldo Martus. 

Makalipas ang 30-minuto ay natagpuan ang mag-asawa na nakalu­tang sa dagat na may ilang metro ang layo sa isla kung saan kaagad na dinala sa Bantayan District Hospital su­balit idineklarang patay.

Ipinagbigay-alam na ng pulisya sa Korean Embassy ang naganap na trahedya sa mag-asawa. Joy Cantos

Show comments