Bagong laya itinumba

CAVITE, Philippines – Napaslang ang isang 40-anyos na bagong laya sa kulungan makaraang barilin sa mukha habang natutulog sa kanyang bahay sa Barangay Sta. Maria Dasmariñas City, Cavite kamakalawa ng hapon. Kinilala ang napatay na si Arthur Suzara na sinasabing may kinakaharap na kasong kriminal at bagong laya matapos magpiyansa noong Oktubre 2010. Sa ulat ni PO2 Rez Alovera, lumilitaw na natiyempuhan ng gunman na natutulog ang biktima saka isinagawa ang pamamaslang. Narekober sa crime scene ang apat na basyo ng baril ng cal. 45 pistol.

Show comments