Retiradong pulis nilikida

MANILA, Philippines - Napaslang ang isang 59-anyos na retiradong pulis makaraang pagbabarilin ng mga armadong kalalakihan sa bahagi ng Rizal Street, Zone 5 sa bayan ng Bangued, Abra kamakalawa ng hapon. Walong bala ng cal. 45 pistola ang tumapos sa buhay ni Esmeraldo Paredes. Sa ulat ni P/Senior Supt. Amando Segundo, lumilitaw na nagma-mahjong ang biktima sa tahanan ni Indra Valera kasama ang iba pang kaibigan nang ratratin.

Show comments