DSWD officer grabe sa pamamaril

MANILA, Philippines - Agaw-buhay ang isang opisyal ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) makaraang pagbabarilin ng mga armadong kalalakihan habang nanonood ng telebisyon sa loob ng kanilang tahanan sa bayan ng Isulan, Sultan Kudarat kamakalawa ng gabi. Kinilala ang nabaril na si Henry Albano Jacinto, 56, ng Purok Masagana sa Barangay Kalawag 2. Sa ulat ng pulisya na nakarating sa Camp Crame, naganap ang pamamaril bandang alas-6:30 ng gabi kung saan nanonood ng telebisyon ang biktima. Nagtamo ng mga tama sa tiyan at kanang kamay  ang biktima kung saan nakikipaglaban kay kamatayan sa Sultan Kudarat Provincial Hospital. Narekober sa crime scene ang anim na basyo ng bala ng cal. 45 pistola.

Show comments