Mag-ama todas sa butete

MANILA, Philippines - Kamatayan ang sumalubong sa mag-ama habang na-ospital naman ang ilan pang miyembro ng kanilang pamilya matapos malason sa pritong butete sa Bantayan Island, Cebu kamakalawa. Kinilala ang mag-ama na sina Peter Cordova, 39; at Peter Paul Cordova, 8, kapwa nakatira sa Barangay Batigues sa nabanggit na bayan. Nakaligtas naman ang mag-ina ni Cordova na ginagamot sa Bantayan District Hospital. Lumilitaw na magkakasamang nananghalian ang pamilya Cordova kung saan ang inulam ay pritong butete Gayon pa man, ilang oras matapos na makapananghalian ay nakaranas ng ma­tinding pagkahilo, pananakit ng ulo at tiyan, pagsusuka ang mga biktima kung saan nasawi ang mag-ama.

Show comments