Chinese trader kinidnap

MANILA, Philippines - Bumanat muli ang mga pinaghihinalaang miyembro ng Pentagon kidnap for ransom gang matapos dukutin ang isang negosyanteng Chinese na may-ari ng grocery store sa lungsod ng Cotabato nitong Biyernes ng gabi. Kinilala ni Army’s 6th Infantry Division (ID) Deputy Spokesman Major Marlowe Patria ang dinukot na biktima na si Jinky Yap , may-ari ng Aly grocery store na matatagpuan sa panulukan ng Sinsuat Street at Pansacala Avenue sa lungsod. Ayon kay Patria, kasalukuyang abala ang biktima sa kaniyang grocery store ng biglang sumulpot ang apat na armadong kidnapper dakong alas-7 ng gabi. Ang biktima ay puwersahang isinakay ng mga kidnapper sa isang government license plate SDX-452 na van na tumahak sa direksyon ng Brgy. Biniruan dito. Narekober naman ng tumugis na mga awtoridad ang getaway van sa tabi ng Kakar River matapos na ilipat ng mga kidnapper ang biktima sa isang bangkang de motor na tumahak sa direksyon ng Kabuntalan, Maguindanao.

Show comments