STL collector sugatan sa holdap

SARIAYA,QUEZON ,Philippines  — Sugatan ang isang kolektor ng Small Town Lottery (STL) matapos na ito ay pumalag sa holdaper na tumangay sa kanyang koleksyon kamaka­lawa ng gabi sa Brgy. Lutucan ng bayang ito kamakalawa. Kinilala ng pulisya ang biktima na si Joseph Metrillo, 29, may-asawa ng Brgy. Janagdong habang tugis na ng pulisya ang dalawang suspek. Ayon kay PO3 Noriel Banaag, dakong alas-6:30 ng gabi ay sakay ng kanyang bisikleta ang biktima upang i-remit sa STL office sa kabayanan ang koleksyon nagkakahalaga ng P8,000 ng tutukan ng baril ng patalim ng dalawang suspek na nagdeklara ng holdap. Nanlaban naman ang biktima kaya pinagsasaksak ng mga suspek na mabilis na nagsitakas sakay ng motorsiklo.

Show comments