Army tinorture, dinedo ng NPA

MANILA, Philippines - Pinahirapan muna bago pinaslang ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) ang isang Army Corporal matapos itong harangin at dukutin sa bayan ng Tapaz, Capiz kamakalawa ng hapon. Kinilala ang napaslang na si Cpl. Joebert Glindro ng Army’s 3rd Infantry Division na nakabase sa Jamindan, Capiz. Sa ulat ng AFP-Central Command, bandang alas-4 ng hapon nang harangin ng mga armadong rebelde na nagpanggap na mga sundalo ang biktima na papauwi na sa Barangay Artuz sa bayan ng Tapaz. Walang nagawa ang nasorpresang biktima matapos itong posasan at kaladkarin patungo sa sementeryo kung saan tinorture muna ito saka pinaslang.

Show comments