Pabahay sa PNP itatayo

QUEZON, Philppines – Pinangunahan ni PNP Chief Director General Raul Bacalzo ang pagpapasinaya sa housing project para sa kapulisan sa lalawigan ng Quezon. Aabot sa 1.5 ektaryang lupa sa Barangay Rizal sa bayan ng Padre Burgos na pagtatayuan ng pabahay ay ipinagkaloob ng pamilya ni dating Padre Burgos Quezon Mayor Dominador Villena. Bukod sa planong pagtayuan ng pabahay, kasama rin sa itatayo ay shooting range upang makapagsanay ang mga pulis. Umaasa si Bacalzo na susuportahan ng mga LGUs ang housing project.

Show comments