^

Probinsiya

Kawani ng DOLE Phils pinugutan

-

KORONADAL CITY, Philippines – Kalunus-lunos na kamatayan ang sinapit ng isang 24-anyos na kawani ng pineapple firm sa South Cotabato makaraang pagtatagain ay pinugutan pa ng mga ’di-pa kilalang kalalakihan sa bisinidad ng Barangay Sinolon sa bayan ng T’boli, South Cotabato kahapon.

Sa ulat na nakaraitng sa T’boli PNP station, kinilala ang biktima na si Jonifer Lapinig, sprayman ng DOLE Phils. na nakabase sa bayan ng Polomolok.

Ayon sa pulisya, ang bangkay ni Lapinig na walang ulo ay natagpuan ng ilang residenteng naghihintay ng dyipni sa plantasyon ng pinya bandang alas-9 ng umaga.

Natagpuan din ang ulo may 20-metro ang layo sa katawan ng biktimang pinagtataga.

“Walang puso at awa yung gumawa noon sa victim. Shock talaga kami lahat ng makita naming ang bangkay niya na putol ang ulo at nakahiwalay ito sa kanyang katawan,” pahayag ni Teresita Kusan ng B’laan mula sa nabanggit na lungsod.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng mga tauhan ni P/Senior Supt. Nilo Wong. Phil. Star News Service

vuukle comment

AYON

BARANGAY SINOLON

JONIFER LAPINIG

KALUNUS

LAPINIG

NILO WONG

SENIOR SUPT

SOUTH COTABATO

STAR NEWS SERVICE

TERESITA KUSAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with