Apo todas sa airgun ni lolo

QUEZON, Philipines  — Napaaga ang kamatayan ng isang 12-anyos na babae makaraang maputukan sa noo ng airgun na nahulog ng kanyang lolo sa liblib na bahagi ng Sitio Pulo, Barangay Calit-Calit sa bayan ng San Juan. Batangas kamakalawa ng umaga. Kinilala ng pulisya ang nasawi na si Jessa Lucero Borja habang tumakas naman ang suspek na si Esperdion Lucero, 66. Sa ulat ni SPO2 Petronilo Calderon, lumilitaw na magkasama ang maglolo para manguha ng saging nang biglang mahulog ang airgun nito at nasapol ang biktima.

Show comments