Tinedyer kisay sa kuryente

TAYABAS, Quezon, Philippines – Isang 16-anyos na estudyante ang iniulat na nasawi makaraang makuryente habang pauwi kasama ang kanyang utol sa Sitio Pinagbanderahan, Barangay Silangang Palae sa bayan ng Tayabas, Quezon kamakalawa ng hapon. Kinilala ng pulisya ang namatay na si Raymund Villafria habang nakaligtas naman ang naka­babatang utol na si Angelica Villafria, 9. Batay sa ulat ni SPO1 Reynaldo Labitigan, papauwi na ang mag-utol nang mapawak sa nakalawit na linya ng kuryente si Raymund. Nagkikisay si Raymund kaya tinulungan ng kanyang utol subalit sa lakas ng boltahe ng kuryente ay tumilapon ito ng ilang metro.

Show comments