Umihi sa sabungan, dinedo

BULACAN, Philippines — Niratrat at napatay ang isang 37-anyos na lalaki makaraang umihi sa gilid ng sabungan sa Barangay Guyong sa bayan ng Sta. Maria, Bulacan kamakalawa ng hapon. Idineklarang patay sa Rogasciano Mercado Memorial Hospital si William Castillo. Ayon kay PO3 Jerry Villamor, lumilitaw na pauwi na ang biktima mula sa paghahatid ng pera sa kanyang utol na lalaki nang umihi sa gilid ng sabungan. Dito na nilapitan at pinagbabaril ng 'di pa kilalang lalaki ang biktima.

Show comments