Tiktik ng AFP at PNP nilikida

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines  – Napaslang ang isang 50-anyos na mister na sinasabing tiktik ng AFP at PNP makaraang pagbabarilin ng mga rebeldeng New People’s Army sa bisinidad ng Sitio Luba, Barangay Guindahap sa bayan ng Monreal, Masbate, kamakalawa ng hapon. Kinaladkad palabas ng kanyang bahay saka iginapos si Jose “Pepe” Mallo. Napag-alamang nagmamakaawa ang pamilya ng biktima subalit isinagawa pa rin ang pamamaslang.

 

Show comments