^

Probinsiya

Buntis na sinalvage bantay sarado

-

CAMP VICENTE LIM, Laguna, Philippines – Bantay sarado ngayon ang isang buntis na ginang sa pagamutan matapos itong himalang maka­ligtas sa summary execution ng dalawang parak nang 24 beses pagsasaksakin, barilin at itapon pa sa bangin sa bayan ng Pagsanjan, Laguna kama­kalawa ng umaga.

Ayon kay Police Regional Office (PRO) IV-A Director Chief Supt Samuel Pagdilao, ipinag-utos na niya ang 24 oras na pagbabantay sa pagamutan sa biktimang si Grace “Gleng Gleng “ Capistrano, 22.

Si Capistrano ay dinukot sa Angono, Rizal kamaka­lawa ng umaga at tinangka ring iligpit ng mga nasakoteng pulis na sina PO2 Mario Natividad ng Region 4A Police Office at PO1 Antennor Mariquit ng Cainta Police Station; pawang nahaharap sa kasong robbery/extortion.

Sinasabing natatakot ang pamilya ng biktima at sa pakiramdam nila sa kabila na ng naaresto na ang dalawang parak ay maaring may pakilusin pa ang mga ito para tuluyang patayin ang ginang.

Ayon naman kay La­guna Police Director Sr. Supt. Gilbert Cruz, inaresto ang dalawang pulis matapos na positibong ituro at kilalanin ni Capistrano na nagtamo ng napakaraming mga saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan at isang tama ng bala ng baril sa hita.

Lumilitaw sa imbestigasyon na ang ginang ay dinukot ng dalawang pulis kasabwat ang dalawang iba pa upang patahimikin dahilan testigo ito sa kanilang kinakaharap na kaso. Patuloy pang pinagha­hanap ang dalawang suspek na kasabwat sa krimen, isa rito ay nakilala sa alyas na Toto.

Matapos saksakin at barilin, itinapon pa sa isang bangin si Capistrano na sugatang gumapang hanggang makahingi ng tulong sa isang driver na nagma­lasakit ritong magdala sa pagamutan bandang alas-9:30 ng gabi.

Sinabi pa ni Pagdilao na sinampahan na ng kasong kriminal at administratibo kabilang ang grave mis­conduct at abduction laban sa dalawang tiwaling parak. Dagdag na ulat ni Joy Cantos

vuukle comment

A DIRECTOR CHIEF SUPT SAMUEL PAGDILAO

ANTENNOR MARIQUIT

AYON

CAINTA POLICE STATION

CAPISTRANO

DALAWANG

GLENG GLENG

JOY CANTOS

MARIO NATIVIDAD

POLICE DIRECTOR SR. SUPT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with