^

Probinsiya

Dahil sa bumabang grade sa Math: Top 5 sa klase nag-suicide

-

MANILA, Philippines – Dahilan sa mababang grade sa Math, isang high school student ang nag-suicide sa pamamagitan ng pagbibigti sa loob ng kanilang tahanan sa Silay City, Negros Occidental kamakalawa.

Ayon sa ulat ng pulisya, ang biktima na itinago sa pangalang Suzette, 15-anyos, 3rd year high school sa  Doña Monserrat Lopez Memorial High school.

Bandang alas-4 ng ha­pon ng madiskubre ng kuya nito ang nagbigting kapatid sa tahanan ng kanilang lolo at lola kung saan ang mga ito nakikituloy para malapit lamang sa kanilang pinapasukang  eskuwelahan.

Inakala umano nito na natutulog ang biktima  kaya ibinukas nito ang bintana at napasigaw ito ng makitang nakabigti ang kapatid sa kisame na nakatali ng kumot.

Isang suicide note naman ang natagpuan sa loob ng kuwarto ng biktima ng mga nagrespondeng Scene of the Crime Operatives (SOCO) team ng Silay City Police na humihingi ng tawad sa kanyang mga magulang at kapatid dahil hindi nito matutupad ang kanyang pangarap makaraang makakuha ng 78 na grade sa Math.

Sinabi rin nito na mahal  na mahal niya ang kaniyang pamilya at lubha siyang nahihiya dahilan binigo niya ang mga ito sa inaasahan sa kaniya na maging ‘honor student.

Nabatid na ang biktima ay nasa top 5 sa kanilang klase subali’t dahilan 78 ang nakuha nitong grade sa Math ay matatanggal na ito sa ‘honor roll’ sa kanilang klase.

vuukle comment

AYON

BANDANG

DAHILAN

INAKALA

ISANG

MONSERRAT LOPEZ MEMORIAL HIGH

NEGROS OCCIDENTAL

SCENE OF THE CRIME OPERATIVES

SILAY CITY

SILAY CITY POLICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with