4 NPA rebs arestado

CAMARINES NORTE, Philippines  — Apat-katao na pinaniniwalaang miyembro ng militanteng grupo sa ilalim ng mga rebeldeng New People’s Army ang na­dakma ng mga operatiba ng pulisya at military sa isinagawang ope­rasyon sa Barangay 2 sa bayan ng Daet, Camarines Norte kahapon ng umaga.

Kabilang sa mga dinakip at inaresto ay Esmeraldo “Tata Smith” Bardon na may warrant of arrest sa kasong murder; Denver Bacolod, Elpidio de Luna at si Melo Bermas.

Sa ipinalabas na ulat ni Colonel Leoncio Cirunay, operation officer ng 9th Infantry Division ng Philippine Army, sinalakay ang pinagkukutaan ng mga militanteng grupo kabilang na ang Makabayan, Gabriela, Bayan Muna, Kilusang Magbubukid ng Pilipinas at grupo ng Karapatan.

Nakumpiska sa mga suspek ang dalawang computer, photocopy machine at mga subersibong dokumento. 

Kinondena naman ng mga mamamahayag si P/Supt. Rommel Arturo Infante matapos ipagkait ang impormasyon kaugnay sa mga suspek. Pinabulaanan naman ni Santi Mella, chairman ng Makaba­yan-Camarines Norte na hindi mga NPA rebs ang kanyang mga kasamahan.

Show comments