Salpukan ng bike: Pulis dedo, 3 grabe

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines – Kamatayan ang sumalubong sa isang 54-anyos na pulis habang tatlong iba pa ang nasugatan makaraang magsalpukan ang dalawang motorsiklo sa kahabaan ng highway sa Sitio Lumbia, Brgy. Badiong sa bayan ng Uson, Masbate kamakalawa ng hapon.

Idineklarang patay sa Masbate Doctors Hospital si SPO4 Baltazar Muana sa­mantalang sugatan naman ang kanyang anak na si PO3 Michael Muana at sina Ranzky Lopez at Alejandro Taruca na pawang nakatira sa Barangay Del Carmen.

Lumilitaw sa imbestigas­yon na pabalik na ng himpilan ng pulisya sa bayan ng Uson ang mag-amang pulis nang makasalpukan ang motorsiklo nina Lopez at Taruca.

Nabatid na ang mag-ama ay nagsilbi ng warrant of arrest sa isang suspek subalit hindi inabutan kaya nagde­sisyong bumalik sa presinto kung saan nakasalubong naman si kamatayan.

Show comments