Barangay chairman sugatan sa ambush

MANILA, Philippines - Nasa malubhang kala­gayan ang isang incumbent barangay chairman matapos itong pagbabarilin ng hindi nakilalang mga suspek habang sakay ito ng tricycle kahapon ng umaga sa Brgy. Sengal, Lamitan City, Basilan.

Ang sugatang barangay chairman ay si Jainudin Dulla na nagtamo ng tama ng bala sa balikat.

Namatay naman ang nag­mamaneho ng tricycle na si­nasakyan ng chairman na si Jamrud Kuranding.

Ayon sa ulat, bandang alas-8:00 ng umaga ka­hapon habang lulan ng tricycle ang biktima ng bigla itong tamba­ngan ng hindi nakilalang lalaki sa highway ng Barangay Sengal.

Minalas na natamaan din ng bala ang tricycle driver na ikinasawi nito habang isinu­god naman sa ospital ang sugatang ba­rangay chairman na muling kakandidato sa darating na Oct. 25 barangay elections. Nakatakas naman ang mga suspek.

Show comments