Suspek sa Bulacan masaker nakapuga

BULACAN, Philippines  — Nala­lagay sa balag ng alanga­ning masibak sa tungkulin at makasuhan ang isang provincial jailguard sa Agusan Del Sur maka­raang makatakas ang isa sa apat na suspek sa pagma­saker sa mag-asawang Fil-Am sa San Jose Del Monte City, Bulacan may walong bu­wan na ang nakalipas.

Naghihimas ng rehas na bakal ang jailguard na si Teodoro Salazar ha­bang tugis naman ng mga ope­ratiba ng pulisya at National Bureau of Investi­gation (NBI) ang suspek na si Run­dy Mandag, 26, ng Sibagat, Agusan Del Sur. 

Si Mandag ang isa sa apat na responsable sa pa­mamaslang sa mag-asa­wang sina Mariano Angeles 65, retiradong pulis at asa­wa nitong si Norma Angeles 64, sa loob ng kanilang bahay sa Sitio Linauan, Brgy. Dulong sa San Jose Del Monte City noong Marso 25, 2010.

Si Norma Angeles ay na­katatandang kapatid ni ex-Norzagaray Mayor Ma­tilde Legaspi ng Bulacan.

Napag-alamang si Man­dag na may iba pang ka­song kriminal ay nakulong na sa Patin-ay Provincial Jail, bago maaresto nina SPO2 Freddie Ferrer, ex-Mayor Matilde Legaspi at P/Supt. Bruno Viola Jr. bitbit ang warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Teo­dora R. Gonzales ng Ma­lolos City Regional Trial Court Branch 14.

Nabatid na inihatid kay Prosecutor Felix Mesa ng Agusan Del Norte Prosecutors Office si Mandag para kasuhan kaugnay sa pa­mamaslang sa mag-asa­wang Fil-Am.

Nang ihahatid na ni Sa­lazar si Mandag patu­ngong Bulacan lulan ng traysikel nang makatakas ito sa hindi mabatid na da­hilan. Boy Cruz

Show comments