Mag-utol na killer arestado

BULACAN, Philippines   — Rehas na bakal ang binagsakan ng mag-utol na sinasabing responsable sa pagpatay sa isang traffic aide noong Abril 2010 makaraang maaresto ng pulisya sa bahagi ng Barangay Longos, Malolos City, Bulacan kamakalawa ng umaga. Sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Teodora Gonzales ng Malolos City Regional Trial Court Branch14, naaresto ng mga tau­han ni P/Chief Insp.Marlon Santos ng CIDG-Bulacan ang mag-utol na sina Ernesto “Lolo Puti” Grape, 58; Teresita Dela Cruz, 59, habang tugis naman ang isa pang suspek na si Joseph Grape, pamangkin ni Ernesto. Ayon sa ulat, ang mga suspek ay itinuturong nakapatay kay Rodyrick Gatchalian sa nabanggit na barangay.

Show comments