Municipal treasurer nilikida

KIDAPAWAN CITY, Philippines  — Tinambangan at napatay ang muni­cipal treasurer sa bayan ng Datu Montawal, Ma­guindanao sa naganap na panibagong karahasan sa bayan ng Kabacan, North Cotabato kahapon ng umaga. Ayon sa ulat, si Dr. Alonto Bangcolit na lulan ng Toyota HiLux (TJK 552) nang dikitan at pagbabarilin ng motorcycle-riding gunmen sa bahagi ng USM Avenue sa na­banggit na bayan. Sa report ni P/Supt. Joseph Semillano, hepe ng Kabacan PNP, posibleng sinundan si Bangcolit habang nasa loob ng compound ng University of Southern Mindanao.

Show comments