4,000 apektado ng tubig-baha

MANILA, Philippines - Umaabot sa 4,000 pa­milya ang naapektuhan ng flash­flood sa Sultan Kudarat sa loob ng tatlong araw, ayon sa ulat kahapon. Sa report ng Central Mindanao Re­gion­al Disaster Coordinating Council, nasa siyam na ba­rangay ang lumubog sa tubig-baha sa bayan ng Lam­bayong at isa pa sa Tacurong City. Nabatid na umapaw ang Allah River matapos ang malakas na pag-ulan noong Lunes.

Sa kasalukuyan ay na­ sa 4,020 pamilya ang na­apek­tuhan sa bayan ng Lamba­yong at 46 naman sa Tacu­rong City. Patuloy naman ang pamamahagi ng food supplies at relief goods sa mga resi­denteng apektado.

Show comments