2 'mangkukulam' tinodas

SAN CARLOS CITY, Pangasinan, Philippines  — Napaslang ang mag-asawang matan­da makaraang pagba­ barilin ng sariling pamang­king lalaki sa loob ng ka­nilang tahanan sa Ba­rangay Apo­nit sa San Carlos City, Pan­gasinan noong Biyernes ng gabi. Napuruhan sa iba’t ibang bahagi ng katawan sina Angelo Pascua 68 at Emi­lia Pascua, 66, kap­wa nag­titinda ng gulay sa pa­lengke.

Samantala, tugis na­man ng pulisya ang suspek na si George Arcangel, 29, ng nabanggit din ba­ rangay.

Nabatid na inakusahan ng suspek ang kanyang tiyahing babae na mang­kukulam at sinasabing responsable sa pagka­matay ng kanyang kapatid na lalaki noong nakalipas na buwan dahil sa hindi maipaliwanag na sakit.

Lumilitaw sa imbesti­gasyon ng pulisya na kapa­pasok pa lamang sa kani­lang bahay ang mag-asa­wa nang dumating ang sus­pek na lango sa alak.

Matapos makapag­ma­no sa matandang tiyu­hin ay pinagbabaril ito ng suspek sa harapan mismo ng kanyang apo na babae kung saan niratrat din ang tiyahin sa itaas ng ba­hay.

Bago tumakas lulan ng motorsiklo ay pinag­ban­taan pa ng suspek ang babaeng apo ng mag-asa­wa na babarilin din kapag lumabas ng bahay.

Naisugod pa sa Virgen Milagros Hospital subalit namatay din si Angelo ha­bang ginagamot.

Show comments