P100M kontrabando nasabat

OLONGAPO CITY, Philippines  — Pitong container van na nagla­la­mang ng P100 miyong kontrabando ang nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Customs at Subic Bay Metropolitan Authority mataapos abandonahin ng mga consignee sa New Contaienr Terminal 1 sa Subic Bay Free­port Zone. Pinangunguna nina BoC Port of Subic District Collector Marrietta Zamoranos at SBMA Senior De­puty Administrator Robert Ongchiaco ang pagkumpiska sa mga spare parts ng barko, used clothing, arcade ga­ming machines, home appliances at isang brand new luxury car na nagkakahalaga ng US$600,000 Umaabot sa kabuuang P100 milyong halaga kabilang na ang mga ship’s shaft parts (US1.5M) na sinasabing tangkang ipuslit papasok sa Hanjin shipyard.

Show comments