Municipal administrator itinumba

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines – Kamatayan ang sumalubong sa isang municipal administrator makaraang tambangan ng mga di-pa kilalang lalaki sa harapan ng sementeryo sa Barangay Tioson, Baleno, Masbate kahapon. Napuruhan sa dibdib si Rogelio Mingoy, 64, may asawa, municipal administrator sa bayan ng Baleno, Masbate. Ayon sa hepe ng pulisya na si P/Insp. Joselito Aquino, niratrat ang biktima bandang ala-una ng hapon habang sakay ng motorsiklo at patungo sana sa munisipyo. Pinaniniwalaan naman na pulitika ang isa sa motibo ng pamamaslang.

Show comments