Palengke natupok

HAGONOY, Bulacan, Philippines —Tinatayang aabot sa P19 mil­yong halaga ng ari-arian at mga kalakal ang naabo makaraang masu­nog ang buong Pamilihang Bayan ng Hagonoy na nasa Brgy. San Sebastian kamakalawa ng gabi. Ayon kay Provincial Fire Marshall P/SSupt. Absalon Zipagan nagsimula ang sunog dakong alas-7:30 ng gabi sa loob ng palengke at mabilis na natupok ang mga tindahan dito.

Show comments