19 sugatan sa road mishap

ZAMBALES, Philippines  — Labinsi­yam-katao ang nasugatan makaraang bumaliktad ang pampasaherong bus sa ka­habaan ng highway sa Baran­gay San Lorenzo, sa bayan ng Masinloc, Zam­bales noong Biyernes ng tanghali.

Naisugod naman sa Ra­mon Magsaysay Memorial Hospital sina John Morgan Fernandez,17; Lorico Bal­lesteros Sr, 68; Lorico Bal­lesteros Jr, 29; Imelda Corpuz, 29; Cheene Jane Navarro, 20; Franklin Ebue, 72; Toni Luz Lim­bag,19; Adela Sevillano, 59; Pepito Sevillana, 62; Den Albert Villar,16; at ang kon­duktor na si Ismael Ecal­dre na pawang naka­tira sa bayan ng Masinloc at Can­delaria.

Kabilang sa mga pasa­hero na nasa malubhang kala­ga­yan ay sina Roseta Montero, 60; Justin Jay Bal­lesteros, 2; Lucena Rose­te,76; Juanita Gumba, 57; Carlsen Ednabe, 19; Juanita Merin,60; Amalia Duallo, 39; at si Angelica Ro­sario,17.

Sa ulat na nakarating kay P/Senior Insp. Jelson M. Da­yupay, hepe ng Masinloc PNP, nawalan ng preno ang Ma­kas­ama Bus Liner (CXG 873) na minama­neho ni Sa­muel Ecal­dre kung saan sumalpok sa gilid ng bun­dok bago bu­maliktad.

Nakahanda naman tu­mu­long sa mga biktima ang Zam­bales Minibus Operator Dri­vers Cooperative Association na pinamumunuan ni Ar­man­do Quejada.

Show comments