Pulis inutas sa karinderya

BATANGAS , Philippines  — Napatay ang isang pulis samantalang sugatan naman ang tatlong iba pa matapos pagbabarilin ng mga armadong lalaki sa bahagi ng Barangay 4 sa bayan ng Balayan, Batan­gas kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni P/Chief Inspector Manuel Castillo, hepe ng Balayan PNP ang nasawi na si PO2 Reynaldo Macala­guim, 39, ng Nueve Street sa bayan ng Lian, Batangas.

Sugatan naman sina Richard Villarin, 42; John Pau­lo Rizara, 17, college student at si Mark Jonas Ilao, 23, kapwa nakatira sa Barangay Pooc sa nasabing bayan. Base sa imbesti­gas­yon, nagkakape sa karin­der­ya malapit sa palengke na sakop ng Plaza Mabini sina PO2 Macalaguim at Villarin nang lapitan at pag­babarilin ng tatlong armadong lalaki bandang alas-10 ng gabi. Napag-alamang naka­takbo pa papalayo si Villarin pero hinabol at pinagbabaril hang­gang sa madamay sina Rizara at Ilao na tinamaan ng ligaw ng bala habang nagla­lakad malapit sa ka­rinderya. Patuloy naman ang imbestigasyon ng pu­lisya

Show comments