Saleslady lumaklak ng lason

KIDAPAWAN CITY, Philippines — Isang saleslady na sinasabing nakapatay sa kanyang live-in partner ang iniulat na nag-suicide makaraang uminom ng lason kamakalawa sa Purok 2, Barangay Osias sa bayan ng Kabacan, North Cotabato. 

Nag-suicide si Noralyn Sideno sa loob ng palikuran ng kanyang pinsan matapos uminom ng insecticide na Lannate. 

Ginawa ni Sideno ang pagpapakamatay, anim na araw matapos mabaril at mapatay ang live-in partner nitong si Vic Hulao habang nakatayo sa harap ng eskwelahan sa Diego Silang Street sa bayan ng Kabacan noong July 27.

Ito na ang ikatlong kaso ng suicide na naitala sa North Cota­bato simula noong nakaraang linggo.  

Show comments