Manager inutas dahil sa P500

MANILA, Philippines - Dahil sa P500 training fee, pinagbabaril hanggang mapatay ng airport security guard ang kanyang superior sa gitna ng mainitang pag­tatalo sa Lapu-Lapu City, Ce­­bu kamakalawa.

Kinilala ang napaslang na si Sebastian Amble, ope­r­ation manager ng Mustang Security Agency, In­corp. Sumuko naman sa pulisya ang suspek na si Jes­sie Humadyao, nakata­laga sa Mactan Cebu International Airport Authority.

Batay sa police report na nakarating sa Camp Crame, naganap ang krimen dakong alas-4 ng hapon kung saan sinasabing humingi ng P500 training fee si Amble kay Hu­madyao na nauwi sa matin­ding pagtatalo.

Dito na nagkasi­ ga­wan ang dalawa hang­gang sa mauwi sa pama­maslang.

Show comments