Negosyanteng Bumbay itinumba

CAMP VICENTE LIM, Laguna , Philippines  — Napaslang ang isang 35-anyos na negosyanteng Bumbay makaraang barilin ng dalawang lalaki na lulan ng motorsiklo sa bayan ng Cabuyao, Laguna kamakalawa ng umaga. Kinilala ng pulisya ang napatay na si Hardeep Hampal ng Calamba City, Laguna. Lumilitaw na nangongolekta ng pautang si Hampal sa Ma­buhay City Subdivision sa Barangay Mamatid nang lapitan at barilin sa ulo bandang alas-11:45 ng umaga. Isinantabi ng mga imbestigador ng pulisya ang anggulong pagna­nakaw ang motibo dahil hindi naman kinuha ang P5,178 cash at cell phone ng biktima.

Show comments