5 barangay sinalanta ng buhawi

MANILA, Philippines - Tinatayang aabot sa milyong halaga ng ari-arian ang na­wa­sak matapos manalasa ng buhawi sa limang barangay sa ba­yan ng Tupi, South Cotabato, kamakalawa. Sa report ng Re­gional Disaster Coordinating Council, kabilang sa hinataw ng buhawi ay ang mga Barangay. Polonuling, Palian, Kalkam, Lunen at Barangay Crossing Rubber. Wala namang iniulat na na­sawi o nasugatan sa insidente ba­gaman tina­tayang aabot sa milyong halaga ng ari-arian ang iniwang pinsala kabilang ang mga taniman, poultry at na­apektuhan din ang mga alagang hayop ng mga residente. Kaugnay nito, namahagi na ng tulong ang lokal na pama­halaan sa mga apektadong residente.

Show comments