P2.5-milyong 'damo' nasamsam

MANILA, Philippines - Aabot sa P2.5 milyong halaga ng pinatuyong dahon ng marijuana ang nasamsam sa isinagawang operasyon ng pulisya kung saan naaresto ang itinuturing na drug dealer sa bayan ng Tublay, Benguet noong Lunes.

Pormal naman kinasuhan ang nasakoteng suspek na si James Bagtang, 27, ng Brgy. Pudong, Kapangan.

Nasamsam ang 100 -bricks ng pinatuyong dahon ng marijuana na tumitimbang ng 100 kilo na may katumbas na halagang P2.5 milyon at isang cellphone.

Show comments