2 bisor ng STL pinabulagta

BULACAN , Philippines — Dalawang bisor ng small town lottery (STL) ang pinagbabaril hanggang sa mapatay ng mga ‘di-pa kilalang lalaki sa bisinidad ng Barangay Poblacion sa bayan ng San Miguel, Bulacan kahapon ng madaling-araw.

Apat na bala ng baril ang tumapos sa buhay nina Isagani Bacual ng Barangay Sta Ines at Armando Alarcon ng Barangay Bulualto. Lumilitaw na may nakagalit na apat na kalalakihan ang mga biktima sa loob ng Blue Water Restobar kung saan nagkahamunan ng suntukan subalit pinayapa naman ng mga tauhan ng restobar.

Lingid sa kaalaman ng dalawa na sinasabing pasakay sa kanilang motorsiko ay inabangan sila ng apat sa labas ng restobar saka isinagawa ang pa­mamaslang.

Show comments