Mga artista wagi sa Southern Tagalog polls

BATANGAS , Philippines  — Napatu­na­yan ng mga artistang kumandidato sa eleksyon na hindi lang sila pang pelikula, pang public service pa matapos manalo ang mga ito sa iba’t ibang puwesto.

Sa Batangas, nanalong muli sa pangalawang ter­mino si Governor Vilma Santos-Recto laban sa biyuda ng yumaong ex-governor Armand Sanchez na si Edna Sanchez.

Nanalo rin ang screen partner ni Gov. Vi na si Chris­topher “Boyet” De Leon bilang board member ng 2nd district ng Batan­gas. Luma­ban noon si Bo­yet sa pagka- bise guber­nador noong 2007 eleks­yon pero natalo kay Mark Leviste.

Sa Laguna, iprinoklama na si Laguna Governor-elect Jeorge “ER” Ejercito Es­tre­gan na anak ni George Es­tregan at pa­mangkin ni ex-President Joseph Estrada.

Natalo ni ER ang ma­bibigat na katunggali na sina ex-Laguna Governor at DILG Secretary Joey Lina, Dennis Lazaro, anak ni incumbent Laguna Governor Teresita “Ning-ning” La­zaro at incumbent Vice Governor Ramil Her­nandez.

Pinalitan naman ni Mai­ta Ejercito ang asawang si ER bilang mayor ng Pagsanjan, Laguna.

Panalo rin si Dan Fer­nandez sa 1st congressional district ng Laguna at sexy-singer-actress Angelica Jones-Alarva bilang board member sa 3rd district of Laguna.

Samantala sa Quezon, panalo rin ang pamangkin ni Erap na si Gary Estrada sa pagka-bokal ng 2nd district ng Quezon province.

Sa Cavite, panalo ang mag-asawang Ramon “Bong’ Revilla at Lani Mer­cado-Revilla sa pagka-se­nador at congresswoman ng Bacoor.

Show comments