^

Probinsiya

Talunang mayoralty bet namaril

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Dahil sa hindi matang­gap na pagkatalo, binaril ng talunang mayoralty candidate ang supporter ng kalaban nitong kan­didato ng administrasyon sa Ba­rangay Burgos, sa bayan ng Batuan, Masbate noong Martes ng hapon.

Kinilala ang nabaril sa binti na si Junior Argote na na­kasakay sa motor­ siklo kasama ang dala­wang iba pa.

Samantala, tugis na­man ng mga awtoridad ang suspek na si Pwersa ng Masang Pilipino (PMP) mayoralty candidate Este­ban Ballesteros.

Nabatid na kahit may tama ng bala ang biktima ay nagawang makalayo patungong Batuan at hu­mingi ng saklolo.

Si Argote ay supporter ni Lakas-Kampi-CMD ma­yor-elect Charlie Yuson III na kalaban naman ni PMP mayoralty candidate Bal­les­teros.

Lumilitaw na hindi ma­tanggap ni Ballesteros na nakakuha ng 2,152 boto sa hindi pa opisyal na tally ng Comelec laban sa na­ngungunang si Yuson III na may boto namang 2, 721 na patuloy na naka­kaungos.

vuukle comment

BALLESTEROS

BATUAN

BURGOS

CHARLIE YUSON

COMELEC

DAHIL

JUNIOR ARGOTE

KINILALA

MASANG PILIPINO

SHY

SI ARGOTE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with