Ex-RP team utas sa bike

CAMARINES NORTE, Philippines — Isang 57-anyos na lalaki na si­na­­sabing dating karate expert ng RP team ang iniulat na nasawi makaraang tumilapon mula sa kanyang motorsiklo kamakalawa ng gabi sa Barangay Bagasbas sa bayah ng Daet, Camarines Norte. Ideneklarang patay sa Camarines Norte Provincial Hospital si Edgardo “Jing” Castañeda ng Brgy Camambugan sa bayan ng Daet. Batay sa ulat ni P/Insp. Van Alteza Layosa, nawalan ng kontrol ang biktimang walang helmet matapos na mahagip ang naglalakad na lalaki saka tumama ang ulo sa sementong kalsada.

Show comments