Trike vs bus: 4-katao lasog

PANGASINAN , Philippines — Apat-katao ang sinalubong ni ka­matayan makaraang salpukin ng pam­pa­saherong bus ang traysikel ng mga biktima sa kahabaan ng pambansang lansangan sa Barangay Lawis sa bayan ng Labrador, Pangasinan noong Sabado ng hapon.

Kabilang sa mga namatay ay ang mag-asawang Isidro Tandoc Jr., 53, drayber ng traysikel; Gina Tandoc, anak na si Cecille Tandoc at pamangkin na si Merlie Va­lenzuela na pawang nakatira sa Barangay Mag­saysay, Alaminos City. Naisugod pa sa Labrador Community Hospital subalit hindi na umabot ng buhay ang mga biktima.

Tumakas naman ang drayber ng Mhel Bhen Bus (AVB-834) na na si Eugenio Ramos, 44, ng Ba­rangay Se­selangen, Sual subalit sumuko rin sa himpilan ng pulisya sa bayan ng Lingayen.

Show comments