7 sundalo sugatan sa bomba

KIDAPAWAN CITY, Philippines – Pitong sundalo ng Bravo Company sa ilalim ng 57th Infantry Battalion ng Philippine Army ang nasugatan makaraang sumabog ang landmine na itinanim ng mga rebeldeng New Peo­ple’s Army sa bisinidad ng Ba­rangay Binay, sa bayan ng Magpet, North Cota­bato, kahapon ng tanghali.

Sa ulat ni Major Leo Diaz, kumander ng 57th Infantry Battalion, kabilang sa mga sugatan na naisugod sa Ki­dapawan Medical Specialist Center ay sina Marlo Ja­nolino, Puer­tido Mag­ba­nua, Rode­rick Ottok, Elvis Bra­ga, Ro­ger Espi­ritu, Re­nato Tupaz, at isang ‘di pa kilalang sun­dalo.

Nabatid na pauwi na ang military vehicle (SJE 115) ng mga biktima sa Ba­rangay Binay, nang su­mambulat ang bomba kung saan tina­maan ang dala­wang gu­long ng sasakyan.  - Malu Manar

Show comments