Swiso kinidnap sa Zamboanga

MANILA, Philippines – Kinidnap ng mga ar­ma­dong kalalakihan na pina­niniwalaang miyembro ng nagsanib puwersa ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) rogue element at Abu Sayyaf Group ang ne­gosyanteng Swiso kung saan nakatakas naman ang kaibigan nitong Ale­man sa naganap na insi­dente kamakalawa ng ha­pon sa Zamboanga City.

Kinilala ni Army’s 1st Infantry Division Chief Major Gen. Romeo Luthestica ang dinukot na si Charlie Riech,72 habang nakata­kas naman sa mga kidnaper si Carl Reitchling, 67.

Nakatanggap ng impor­mas­yon ang militar na gru­po ni Basilan based Moro Islamic Liberation Front (MILF) sub-commander Malista Malaca at ang bagong lider ng Abu Say­yaf na si Kahir Mundos ang nagplano sa pagdukot sa biktima bago dinala sa Basilan.

Batay sa imbestigas­yon, naganap ang pagdu­kot sa tahanan ng biktima sa Brgy. Patalon kung saan malapit sa dalampasigan

Napag-alamang si Riech ay dating co-owner ng malawak na rubber plantation sa Zamboanga.

Samantala, inatasan na ni AFP Chief of Staff Gen. Delfin Bangit ang Naval Forces Western Mindanao kaugnay sa naval blockade sa nasabing karagatan habang naglunsad na rin ng search and rescue operations para mailig­ tas ang biktima.

Show comments